New Philippine Revolution: Robotic Garci, part 1
New Philippine Revolution: Robotic Garci, part 1
New Philippine Revolution: Robotic Garci, part 1
ESTAPADOR at MANG-OONSE ang pinsan ni Senadora Jambiboy Madrigal na si El Rey Madrigal Bichara.
Mantakin niyo, tinakbuhan ng pinsan ni Jamby ang isang empleyado ng Officer In Charge ng isang cellphone retail store sa Davao.
Paano kasi, nag-isyu ang mokong na si El Rey MADRIGAL Bichara ng mga cheke sa naturang cellphone retailer na nagkakahalaga ng P 400,000.
Noong una, ayon sa pobreng cellphone retailer, nag-iisyu ng cheke ang naturang pinsan ni Jamby at maayos naman itong nae-encash. Pero, matapos ang ilang transaksyon, nagtalbugan na ang mga iba pang mga cheke nito. Closed Account na daw, anya ng banko!
Hindi makatulog at natutuliro na ang naturang cellphone retailer dahil mawawalan na nang trabaho at maaari pang makulong dahil sa kagaguhan ng pinsan ni Jamby na si El Rey MADRIGAL Bichara.
Panay-panay ang pagmamakaawa ng naturang empleyado ng cellphone retailer pero hindi ito pinapansin ni El Rey. Hindi ito sumasagot sa mga tawag at text ng kawawang empleyado ng cellphone retailer.
AT ANG MASAMA PA, pinagbantaan na ang buhay nito ng kamaganak ni Jamby!
Napilitan na tuloy ang pobreng empleyado ng cellphone retailer na MAGMAKA-AWA na kay Senadora Jambiboy para mapagsabihan ang naturang pinsan na magbayad na.
Pero, manhid at walang imik at patay malisya naman ang Senadorang Jambiboy sa pagsusumamo ng naturang empleyado na cellphone retailer!
Sa nangyaring sex video probe sa Upper House, unang na-bad trip ang Senate reporters, aba’y feeling-very important person (VIP) si Donya Consuelo, alyas Jamby. Mantakin n’yo, pasado alas-3:00 ng hapon nagsimula ang public hearing gayong ala-1:30 ang original schedule, as in isa’t kalahating oras na-delay gayong kumpleto ang resource persons na pinatawag ng komite.
Ibig sabihin, wala sa bisita ang pagka-atrasado ng public hearing kundi sa mismong chair kaya’t maraming nagtaasan ng kilay kung bakit nagpapa-importante ang ‘ex-bestfriend’ ni Peter Sing at kung anong gimik ang pumasok sa kukote ng mga nagmamagaling sa kampo ni Donya Consuelo.
In fairness kay Donya Consuelo, ito’y biktima rin ng mga sipsip at nagmamarunong sa kanyang kampo. Hindi natin babangitin ang pangalan kung sinong abogadong pulpol ang nagbibigay ng mga sablay na payo sa lady solon subalit kapansin-pansing iisang tao lamang ang pinakikinggan ni Donya Consuelo kaya’t hindi nagtatanggal ng earphone.
Balikan ang sex video probe, hindi ba’t ‘protector’ ni Dr. Hayden Kho ang tingin ng publiko kay Dona Consuelo? Kahit sinong kurimaw ang tanungin ni Gary, iisa lang ang opinyon sa kanyang boss - ito’y kakampi ni Atty. Lorna Kapunan, aba’y nakipag-deal sa isang executive session at nagawa pang nakipag-meeting bago inumpisahan ang hearing kaya’t hindi masisisi ang publiko kung mag-isip ng negatibo. Mabuti lang, pumalag sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla kundi nakinig sa dingding ang publiko!
GANYAN TALAGA ANG KUMPANYERANG KUBA NA SI JAMBIBOY! Saksakan ng pagbabalat kayo!
Akala mo ang linis linis ng intensyon, pero huwag ka! Puro pagpapakitang tao lang ang ginagawa pero ang tunay na pakay niya eh ang magpasikat lang at GAMITIN SILA HAYDEN AT KATRINA PARA SA SARILING AGENDA.
"Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba may pribado ring buhay din ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito. dangal ko at dangal ng pamilya ang pinag uusapan dito. Minahal ko si Hayden. bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isisping ako lang ang nagmamay ari ng puso niya. pero gaya ng lahat ng relasyong nagsimula sa kasinunagalingan wala itong pinatunguhan.Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong binigay yung puso at ang kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala. Inaamin ko ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali ko ay minahal ko siya. At naniwala ako na minahal nya rin ako ng lubusan.Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako madali niya ako napaniwala. Ako ang biktima rito. Araw-araw biktima ako habang pinapanood ang nasabing video. Hangad ko po ang hustisya at hukuman kahit alam kong habang buhay ko nang dadalhin ang ginawa sa akin.
© Blogger template 'Darken' by Ourblogtemplates.com 2008
Back to TOP