Jamby Madrigal protector ng estapador
TIYAK ABSWELTO ANG ESTAPADOR at MANG-OONSE na si El Rey Madrigal Bichara, ang pinsan ni SENATOR JAMBY MADRIGAL.
Mantakin niyo, matapos nitong lokohin at linlangin ang isang hamak na empleyado ng isang cellphone shop sa Davao City sa pamamagitan ng pag-isyu ng talbog na cheke o bouncing check, nakuha pa ni EL REY MADRIGAL BICHARA na magsumbong sa kanyang pinsan na si SENATOR JAMBY MADRIGAL.
Oo!
Pumunta si El Rey sa Senado upang dumulog sa tanggapan ng kanyang pinsan matapos mag-isyu ng bouncing check. Todo drama pa ang mokong na halos maglupasay sa hallway ng fifth floor at muntik-muntikanan nang damputin ng security guard ng Senado.
Dahil dito, nagkarapa ang mga staff ni Jambiboy upang ikubli ang pinsan ni Jamby Madrigal sa opisina niya kung saan doon nagpatuloy ang drama.
Hahay!
Binaliktad ni El Rey ang lahat ng pangyayari at sinabing hindi tumalbog ang cheke na inisyu niya, kungdi KINANSELA niya ito dahil hindi daw nagdeliver ang inisyuhan nito ng cheke.
Siya pa raw ang binantaan ng cellphone dealer!
Huwaw!
Kaya, waring protektado na at hindi abot ng kamay ng batas ang pinsan ni Jamby Madrigal na si El Rey. Ikinukubli na ito sa isang safehouse sa loob ng kamaynilaan at masarap ang buhay nito.
Pero, ang hindi nila maikukubli ay ang mga cheke na ito na tumalbog!
1 comments:
a senator whose famous quote is "liar liar pants on fire". HAHAHA!
Post a Comment